Kahirapan sa Pilipinas

A. Siwasyon ng Ating Bansa Tungkol sa Kahirapan


    Kahirapan sa Pilipinas. Maraming pamilya ang nasa poverty line sa bansang Pilipinas dahil sa iba't-ibang sitwasyon nila. Ayon sa isang artikulo, ang mga pamilyang nasa poverty line ay umaabot hanggang sa 16% hanggang 26.3%. Maraming mga pamilya ang halos hindi makakakain at hindi makakakita ng sapat na pera. Sa kasamaang palad,  dahil sa coronavirus na nasa ating bansa ngayon, ang Kahirapan sa Pilipinas ay mas lalong pasamain. Kaya naman, marami paring mga bata sa Pilipinas na hindi makakakamit ng maayos na edukasyon. Maraming mga bata sa Pilipinas ang kailangang iwanan ang kanilang edukasyon at trumatrabaho na lamang upang makakakuha ng perang kanilang magamit para sa pagkain. Isa ring epekto ng kahirapan sa Pilipinas ay ang paghina ng ekonomiya at at ang pagsama ng mga serbisyo ng mga pasilidad gaya ng ospital. Dahil sa pagbaba ng serbisyo ng ospital, mamahal ito at bababa ang kalidad ng ating health care. Kaya naman, dapat natin malaman ang Kahirapan sa Pilipinas dahil ito ay napaka importante.

B. Patunay na Sitwasyon ng Ating Bansa

    Ang sitwasyong ito ay malupit at ang mga linyang ito sa iba't ibang artikulo ay maipapakita ito. "At the end of a six-year term highlighted by enviable economic growths that began in 2010, more than 26 million Filipinos remain poor.". "Because of the many people reliant on agriculture for an income and inequality in wealth distribution, about 17.6 million Filipinos struggle to affor basic necessities". "Unfortunately, poverty is expected to increase in the Philippines because of the coronavirus crisis.".  Makikita natin sa mga linyang ito kung gaano talaga kasama ang sitwasyon sa Kahirapan dito sa Pilipinas. Dito, maaari nating maisip at mapagnilayan kung paano natin, bilang mga sibilyan maitulong.

C. Ang Maitutulong Natin sa Problema ng Ating Bansa

    Paano nga ba — bilang isang sibilyan, para tayo ay makakatulong sa problemang ito sa ating bansa? Makakatulong tayo sa pamamagitan ng pagbigay ng ating mga damit o gamit na hindi na natin gagamitin sa mga programang tumutulong sa kanila. Maari nating magbigay ng pera sa mga donation boxes para sa mga mahihirap. Pwede tayong ipalaganap ang problemang ito at gaano ito ka seryoso. Makibahaga sa mga programang nakatutok sa pagtulong ng mga mahihirap. Ikalat ang impormasyon tungkol nito at ng mga balita sa mga makakapagkatiwalaang impormante. Sabihin kung ano ang kalagayan ng ating bansa tungkol sa kahirapan sa iyong mga malalapit na kamag-anak at kakilala.

Comments